Makakatulong ang proyektong ito na gawing mas simple at magsilbing gabay sa paggawa ng mga gustong magbigay ng kanilang unang kontribusyon. Kung gusto magkaroon ng unang kontribusyon, sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Kung hindi ka komportable sa paggamit ng command line, narito ang mga tutorial gamit ang GUI tool.
Kung wala kang Git sa iyong computer, i-install ito.
I-fork ang repository na ito sa pamamagitan ng pag-click sa fork button sa kanang itaas ng page na ito. Gagawa ito ng kopya ng repository sa iyong account.
Ngayon, i-clone ang forked repository sa iyong computer. Pumunta sa iyong GitHub account, buksan ang forked repository, i-click ang code button at pagkatapos ay i-click ang copy to clipboard icon.
Magbukas ng terminal at patakbuhin ang sumusunod na git command:
git clone "url na kakakopya mo lang"ang "url na kakakopya mo lang" (tanggalin ang "") ay ang url ng iyong forked repository.Tingnan ang mga nakaraang hakbang para makuha ang url.
Halimbawa:
git clone https://github.com/username/first-contributions.gitang username ay ang iyong GitHub username. Dito mo napunta ang mga laman ng kinopya mong repository ng mga unang kontribusyon sa GitHub sa iyong computer.
Pumunta sa directory ng repository sa iyong computer (kung wala ka pa roon, i-type ito sa terminal):
cd first-contributionsNgayon, gumawa ng isang branch gamit ang command na git switch:
git switch -c pangalan-ng-branchHalimbawa:
git switch -c add-juan-delacruzNgayon, buksan ang Contributors.md file sa isang text editor at idagdag ang iyong pangalan (maaari mong gayahin na lang ang gawa ng iba). Iwasang ilagay ito sa pinaka-simula o dulo ng file. Ilagay ito kahit saan sa gitna ng file. I-save ang file kapag nailagay na.
Kung pupunta ka sa directory ng proyekto at i-type ang command na git status, makikita mo yung mga nabago mo sa Contributors.md.
Idagdag ang mga file na nabago mo sa branch na ginawa mo kanina gamit ang command na git add:
git add Contributors.mdI-commit ang mga files na iyon gamit ang command na git commit:
git commit -m "Add iyong-pangalan to Contributors list"I-push ang mga nabago mong files gamit ang command na git push:
git push -u origin pangalan-ng-branchAng pangalan-ng-branch ay pangalan ng branch na ginawa mo kanina.
Kung nagkaroon ng error habang nag-pupush, i-click ito:
-
remote: Support for password authentication was removed on August 13, 2021. Please use a personal access token instead. remote: Please see https://github.blog/2020-12-15-token-authentication-requirements-for-git-operations/ for more information. fatal: Authentication failed for 'https://github.com//first-contributions.git/'
Pumunta sa tutorial ng GitHub sa paggawa at pag-configure ng SSH key sa iyong account.
Kung pupunta ka sa iyong forked repository sa GitHub, makikita mo yung button na Compare & pull request. I-click mo iyon.
Ngayon, baguhin ang ilang checkboxes sa description textarea, at i-submit ang pull request.
Ime-merge ko ang lahat ng mga nabago mo sa main branch ng proyektong ito. Makakatanggap ka ng email notification kapag na-merge ko na ito.
Congrats! Nakumpleto mo lang ang karaniwang fork -> clone -> edit -> pull request workflow na madalas mong gagamitin bilang isang contributor!
Ipakita ang iyong kontribusyon sa iyong mga kaibigan at tagasubaybay at magpunta sa web app.
Ngayon, pwede ka nang gumawa ng kontribusyon sa iba pang mga proyekto! Gumawa kami ng isang listahan ng mga proyekto na may mga madadaling gawing issues na pwede mong gawin. Tingnan ang listahan ng mga proyekto sa web app.
| GitHub Desktop | Visual Studio 2017 | GitKraken | Visual Studio Code | Atlassian Sourcetree | IntelliJ IDEA |





