Para sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan,
Na minsa'y hindi na namamalayan
Kapwa Pilipino na ang mga naglalaban-laban
Nakalimutan na ba natin ang ating bayan?
Tandaan, itatak sa ating ulo
Ang tanging kakampi ng Pilipino ay kapwa Pilipino
Anumang desisyon natin para sa bayang ito
Ang makikinabang at maghihirap ay walang iba kundi tayo